Martes, Agosto 16, 2016

Mga Kapistahan: Pinagmulan ng Kasiyahan sa Perlas ng Silanganan


Ang Pilipinas, Perlas
'ng Silanganan
    Ang Pilipinas, ay isang arkipelago na matatagpuan sa Timog-Silangang parte ng Asya. Binubuo ng 7,107 na mga isla, kilala man o hindi, ito pa rin ay parte ng bansang ito. Mayroon itong tatlong malalaking isla, ang Luzon, Visayas at Mindanao. Bawat islang ito, ay may nakatanim na ala-ala, nakatatak na mensahe at may nakaakibat na kulturang ipinapakita sa mga paraang itinatawag na piyesta. Ang bawat piyestang ito ay sumisimbilo sa kultura natin, ang kulturang Pilipino. Sumamalamin na rin ito sa ating nakaraan, ating kasulukuyan, at hinaharap ng mga susunod na mamayang Pilipino. Kaya halika na, at dadalhin kita sa isang paglalakbay upang iyong malaman ang mga kapistahan ng Perlas ng Silanganan



Isa sa mga nakikilahok sa
Sinulog Festival
Dumako tayo sa isa sa mga pinakakilalang siyudad sa Pilipinas, ang Cebu na kung saan tuwing Enero ay ipinagdiriwang ang Sinulog Festival. Ang kapistahang ito ay umiiral sa Sto. Nino, isang rebulto ng batang Hesus na nagmula sa Espanya na dinala ni Ferdinand Magellan nang siya'y naglalakbay sa Asya at napadpad sa Pilipinas.





Ang mga makukulay na pananamit at ang Sto. Nino ang
tumatatak sa mga utak ng sino mang nanonood nito.
Ang kapistahang ito ay mayroong isang grandeng parada na kung saan ay isinasayaw nila ang mga rebulto ni Sto. Nino ng humigit kumulang 9-12 na oras na halos isang buong araw. Ipinagdiriwang ito bilang pasasalamat sa batang Hesus sa mga milagrong nagawa nito sa ibang tao. Tunay nga ni relihiyoso ang mga Pilipino, na sumasalamin sa kultura nating ngayon at mula noon pa lamang. 



Ang Panagbenga Festival at ang mga
nakikilahok rito.
Ngayon ay tumungo naman tayo sa malamig na siyudad ng Baguio, na kung saan nagaganap tuwing Pebrero, at buong buwan ito ipinagdiriwang. Dahil sa temperatura ng Baguio, may mga kaakit-akit na bulaklak na namumunga rito, na may taglay na halimuyak at mga makinang na kulay. Pinaparada ang mga ito sa Baguio bilang pasasalamat sa masaganang ani sa taong iyon. Dito rin nila ipinagmamalaki ang kanilang angking talento sa "flower arrangement". Nagkakaroon rin sila ng mga paligsahan sa pagdisenyo ng iba't ibang bagay gamit ang mga bulaklak na ito. Tunay nga na malikhain ang mga Pilipino.


Ang patron ng Pahiyas, si San Isidro Labrador.
Tumungo naman tayo sa ibabang parte ng Luzon, sa Quezon, at bayan ng Lucban na kung saan ipinagdiriwang ang Pahiyas Festival, tuwing ikalabing-lima ng Mayo taun-taon. Ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng pasasalamat ng mga magsasaka sa Patron nila na si San Isidro Labrador dahil sa magandang ani na kanilang natatamo. Tuwing ito'y ipinagdiriwang, ang bawat bahay dito ay napapalamutian ng kanilang mga ani tulad ng mga gulay, prutas, palay, bulaklak at iba pa na nagdudulot ng makulay na kinalalabasan. Ang salitang Pahiyas ay hango sa salitang Pahiyas n ang ibig sabihin ay palamuti. Talaga namang marunong magpasalamat ang mga Pilipino at naging bahagi na ito ng ating kultura at ugali. 
Ang mga Higantes na pinapaparadas tuwing ipinagdiriwang ang
Higantes Festival.

Hindi tayo lalayo, pagka't ang ating susunod na pupuntahan ay ang Rizal, at ang bayan ng Angono kung saan sa ika-23 ng Nobyembre, ay ipiniagdiriwang ang Higantes Festival. Ang pistang ito ay inaalay kay San Clemente, ang santo ng mga mangingisda. Sa pistang ito, ipinaparada ang mga Higantes na na nagtataasan. Ang mga kasali rito ay mga taong nagsusuot ng "pahadores", isang makulay na damit ng mangingisda at may dalang mga kagamitan sa pangingisda. Sa parada, ay nagbabasaan sila gamit ng kung ano-anong mga kagamitan na nakapagtatapon ng tubig. Tunay na malikhain at mahilig sa kasiyahan ang mga Pilipino, at sinasalamin ng pistang ito iyon.

Ang mga kasuotan ng mga nakikilahok sa
Ati-Atihan Festival.
Ngayon naman ay babalik tayo sa Visayas, at tutungo naman sa Aklan, sa bayan ng Kalibo. Dito ipinagdiriwang ang Ati-Atihan Festival tuwing sumasapit ang buwan ng Enero. Ipinagdiriwang nila ito bilang pasasalamat kay Sto. Nino. Sila ay kadalasang naka-itim. Karaniwan nilang isinisigaw ang "Viva kay Sto. Nino!". Itong pagdiriwang na ito ay makulay, mabuhay at masaya. Nagpapahid sila sa katawan at mukha at sumasabay sa ritmo ng tambol habang sinisigaw ang "Hala, Bira!". Hinango ang pistang ito sa maalamat na tagpo ng mga katutubo at mga Kristyano na nananakop sa atin. Isa rin ito ang Sto. Nino na hinihingian ng mga tao ng tulong at milagro. Talaga namang napakarelihiyoso ng mga Pilipino. 
Ang mga makukulay na pananamit at maskara ng Masskara
Festival ang nagbibigay buhay sa piyestang ito.


Tumungo naman tayo sa Negros Occidental, sa lungsod ng Bacolod kung saan ipinagdiriwang ang Masskara Festival tuwing Oktubre. Tinatawag ring City of Smiles ang Bacolod. Ipinadiriwang ito para ipaalala sa mga tao na kahit gaano kahirap ang nangyari sa kanila ay makakabangon ang Bacolod. Nagkaroon kasi ng trahedya nung Abril 1980 ay lumubog ang barkong na may sakay na napakaraming tao. Ang pistang ito ay para sa lokal at internasyunal na turismo. Nagmula ang salitang masskara sa dalawang salita. 'Mass' na nangangahulugang 'karamihin ng mga tao' at 'kara' na 'mukha'. Tuwing pista ay nagkakaroon ng mga patimpalak gaya ng sayaw, beauty pageants at marami pang iba. Talaga namang marunong bumangon mula sa trahedya ang mga Pilipino. 

Ang mga kapistahan nito ay sumisimbolo sa ating kultura na napakayaman nga naman. Mula sa Luzon hanggang Mindanao, ay samu't sari ang mga kapistahan na nanagaganap. Mapa tungkol man sa santo, o kahit pasasalamat lamang sa masaganang ani, napakaraming mga pista tungkol sa ating kultura na ating ipinapakita sa buong mundo. Ang aking kultura ay sinasalamin ang ating pagkatao. Sa pamamagitan ng mga kapistahan, ipinapakita natin kung sino nga ba talaga tayo, kung ano ang ating kinagawian, kung sino ang mga Pilipino, at kung anong meron sa Perlas ng Silanganan. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento