Kapistahang Pinoy
Linggo, Agosto 21, 2016
Martes, Agosto 16, 2016
Mga Kapistahan: Pinagmulan ng Kasiyahan sa Perlas ng Silanganan
Ang Pilipinas, Perlas 'ng Silanganan |
Dumako tayo sa isa sa mga pinakakilalang siyudad sa Pilipinas, ang Cebu na kung saan tuwing Enero ay ipinagdiriwang ang Sinulog Festival. Ang kapistahang ito ay umiiral sa Sto. Nino, isang rebulto ng batang Hesus na nagmula sa Espanya na dinala ni Ferdinand Magellan nang siya'y naglalakbay sa Asya at napadpad sa Pilipinas.
Ang mga makukulay na pananamit at ang Sto. Nino ang tumatatak sa mga utak ng sino mang nanonood nito. |
Ang kapistahang ito ay mayroong isang grandeng parada na kung saan ay isinasayaw nila ang mga rebulto ni Sto. Nino ng humigit kumulang 9-12 na oras na halos isang buong araw. Ipinagdiriwang ito bilang pasasalamat sa batang Hesus sa mga milagrong nagawa nito sa ibang tao. Tunay nga ni relihiyoso ang mga Pilipino, na sumasalamin sa kultura nating ngayon at mula noon pa lamang.
Ang Panagbenga Festival at ang mga nakikilahok rito. |
Ang patron ng Pahiyas, si San Isidro Labrador. |
Ang mga Higantes na pinapaparadas tuwing ipinagdiriwang ang Higantes Festival. |
Hindi tayo lalayo, pagka't ang ating susunod na pupuntahan ay ang Rizal, at ang bayan ng Angono kung saan sa ika-23 ng Nobyembre, ay ipiniagdiriwang ang Higantes Festival. Ang pistang ito ay inaalay kay San Clemente, ang santo ng mga mangingisda. Sa pistang ito, ipinaparada ang mga Higantes na na nagtataasan. Ang mga kasali rito ay mga taong nagsusuot ng "pahadores", isang makulay na damit ng mangingisda at may dalang mga kagamitan sa pangingisda. Sa parada, ay nagbabasaan sila gamit ng kung ano-anong mga kagamitan na nakapagtatapon ng tubig. Tunay na malikhain at mahilig sa kasiyahan ang mga Pilipino, at sinasalamin ng pistang ito iyon.
Ang mga kasuotan ng mga nakikilahok sa Ati-Atihan Festival. |
Ang mga makukulay na pananamit at maskara ng Masskara Festival ang nagbibigay buhay sa piyestang ito. |
Tumungo naman tayo sa Negros Occidental, sa lungsod ng Bacolod kung saan ipinagdiriwang ang Masskara Festival tuwing Oktubre. Tinatawag ring City of Smiles ang Bacolod. Ipinadiriwang ito para ipaalala sa mga tao na kahit gaano kahirap ang nangyari sa kanila ay makakabangon ang Bacolod. Nagkaroon kasi ng trahedya nung Abril 1980 ay lumubog ang barkong na may sakay na napakaraming tao. Ang pistang ito ay para sa lokal at internasyunal na turismo. Nagmula ang salitang masskara sa dalawang salita. 'Mass' na nangangahulugang 'karamihin ng mga tao' at 'kara' na 'mukha'. Tuwing pista ay nagkakaroon ng mga patimpalak gaya ng sayaw, beauty pageants at marami pang iba. Talaga namang marunong bumangon mula sa trahedya ang mga Pilipino.
Ang mga kapistahan nito ay sumisimbolo sa ating kultura na napakayaman nga naman. Mula sa Luzon hanggang Mindanao, ay samu't sari ang mga kapistahan na nanagaganap. Mapa tungkol man sa santo, o kahit pasasalamat lamang sa masaganang ani, napakaraming mga pista tungkol sa ating kultura na ating ipinapakita sa buong mundo. Ang aking kultura ay sinasalamin ang ating pagkatao. Sa pamamagitan ng mga kapistahan, ipinapakita natin kung sino nga ba talaga tayo, kung ano ang ating kinagawian, kung sino ang mga Pilipino, at kung anong meron sa Perlas ng Silanganan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)